Meralco, handang tumugon sa posibleng epekto ng bagyong Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na nakahanda silang rumesponde sa anumang epekto ng bagyong Pepito.

Ayon sa Meralco, nakaalerto ang kanilang mga tauhan upang agad na matugunan ang ano mang problema sa serbisyo ng kuryente.

Kaugnay nito, umapela ang Meralco sa mga kumpanya at sa mga may-ari at operator ng mga billboard na pansamantalang i-roll up ang mga ito.

Nagpaalala rin sila tungkol sa ligtas na paggamit ng kuryente lalo na kung may pagbaha.

Kabilang dito ang pagpatay ng linya ng kuryente sa bahay o ang main circuit breaker at pag-unplug ng appliances.

Samantala, hinikayat din ng Meralco ang publiko na panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon.

Siguraduhing may sapat na baterya ang mga cellphone, laptop, radyo, at iba pang gadget na ginagamit sa komunikasyon at sa pagkuha ng impormasyon tungkol sa panahon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us