Puspusan na ang paghahanda sa lalawigan ng Camarines Sur para sa pagtama ng bagyong Pepito.
Ayon kay Cam Sur Rep. LRay Villafuerte, ngayon pa lang ay nagdeploy na ang provincial government ng 40 evacuation teams sa mga high-risk areas sa CamSur, partikular ang mga nalubov noong Severe Tropical Storm Kristine.
Bukas naman ay idedeploy na rin ang Search, Rescue, and Retrieval teams ng CamSur PDRRMC sa mga sumusunod na lugat para mag silbing command post:
- Pamplona Operation Center para sa Pasacao, Libmanan, San Fernando, at District 1
- Capitol Complex para sa Milaor, Minalabac, Gainza, at District 3
- Philippine Army 902 Battalion para sa Sagñay, Tigaon, at San Jose
- Garchitorena Operation Center para sa Caramoan at Presentacion
- San Agustin Iriga City para sa Buhi, Iriga City, Nabua, at Bato
- Agdangan Baao para sa Bula at Balatan
- at Tinambac Operation Center para sa Siruma at Tinambac
Batay sa 11am bulletin ng PAGASA, nakataas ang Signal no. 1 sa CamSur. | ulat ni Kathleen Forbes