Nagpatupad na ng mga paghahanda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagpasok ng Bagyong #PepitoPH.
Pagsisikapan ng NGCP na maibsan ang epekto ng bagyo sa mga operasyon at transmission facilities nito.
Kasama sa kanilang paghahanda ang pagtiyak na may sapat na communication equipment, pagkakaroon ng hardware materials at mga suplay na kailangan sa repair ng masisirang pasilidad.
Ayon sa NGCP, nagtalaga na rin sila ng mga line crew sa mga strategic location para sa agarang restoration works.
Samantala, inabisuhan na rin ng National Electrification Administration (NEA) ang lahat ng apektadong Electric Cooperative na magpatupad ng contigency measures upang maibsan ang epekto ng bagyo.
Pinayuhan ang mga ECs na i-activate na ang kanilang Emergency Response Organization (ERO) para sa kaukulang agarang pagtugon.| ulat ni Rey Ferrer