Kasunod ng pagtaas ng Manila DRRM Office sa Red Alert Status sa Lungsod ng Maynila para sa paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito, nakipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan nito sa ilang paaralan na maaaring gamitin bilang evacuation centers.
Ilan sa mga tinukoy na paaralan ay ang Ninoy Aquino Elementary School, Pres. Corazon Aquino High School, Hemenegildo J. Atienza Elementary School, at Rosauro Almario Elementary School.
Ayon kasi sa ulat ng DOST-PAGASA, mataas ang posibilidad na maapektuhan ng bagyo ang Metro Manila at mga karatig-probinsiya.
Kaya naman patuloy na pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, lalo na ang mga nasa baybayin at malapit sa ilog, dahil sa banta ng daluyong at pagbaha.| ulat ni EJ Lazaro