Ipinanawagan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa mga stranded na pasahero na agad lumikas patungo sa evacuation centers ng mga local goverment unit (LGU) bilang pag-iingat sa panganib na dulot ng storm surge bunsod ng Bagyong #PepitoPH.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, inatasan na nito ang lahat ng Port Management Offices na makipag-ugnayan sa mga LGU para mailipat sa mas ligtas at mas maluwag na lugar ang mahigit 1,374 pasahero na na-stranded sa mga pantalan sa Bicol, Eastern Leyte, at Samar.
Suspendido na rin sa as of 12 ng tanghali kahapon ang mga biyahe patungo at mula Batangas, Mindoro, Bicol, Masbate, Panay/Guimaras, Eastern Leyte/Samar, at Western Leyte/Biliran.
Siniguro naman ng PPA na nakalatag na rin ang relief operations, kabilang ang pamamahagi ng pagkain, katuwang ang Philippine Coast Guard, AFP, at DSWD. Anila, kanilang prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero at kawani nito sa kabila ng masamang panahon.
Para sa mga update sa biyahe, maaaring bisitahin ang social media pages ng PPA na bukas 24/7 para sa mga impormasyon kung kanselado ba o suspendido ang mga biyahe sa mga panahon na ito.| ulat ni EJ Lazaro