Sa pinakahuling ulat ng DSWD Eastern Visayas ngayong madaling araw ng Nobyembre 17, 2024, 36,085 pamilya mula sa 261 barangays ang direktang naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Pepito sa rehiyon. Ang mga lugar na tinamaan ay nakararanas ng pagbaha, malalakas na hangin, at pinsala sa mga tirahan at kabuhayan ng mga residente.
Bilang tugon, nakahanda ang ahensya sa agarang pamamahagi ng tulong, kabilang ang 101,298 family food packs at 36,470 non-food items tulad ng hygiene kits, kumot, at iba pang pangunahing pangangailangan. Ang mga pondo at supply na ito ay nakalaan upang matiyak na sapat ang maibibigay na suporta sa mga nangangailangan, lalo na sa mga pansamantalang nasa evacuation centers.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan para masiguro ang maayos na pamamahagi ng ayuda. Kasalukuyan ding nagmo-monitor ang ahensya sa kalagayan ng mga apektadong lugar upang agad na tugunan ang anumang karagdagang pangangailangan. | via Charmaine Perito| RP1 Calbayog