Halos 2k Family Food Packs ng DSWD Bicol, ipinadala sa Catanduanes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang darating ngayong araw ang ipinadalang 1,700 na family food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-5) Bicol sa probinsya ng Catanduanes.

Ang mga family food packs na mula pa sa warehouse ng ahensya sa Pawa, Legazpi City, ay ipapamahagi sa mga bayan na lubhang naapektuhan ng Super Typhoon Pepito.

Maliban dito, nauna nang nagpamahagi ang ahensya ng 1,013 na family food packs sa 7 barangay sa bayan ng Bagamanoc, Catanduanes, kahapon.

Tuloy-tuloy naman ang koordinasyon ng DSWD Bicol sa mga lokal na pamahalaan sa Catanduanes upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya dahil sa nagdaang sakuna. | ulat ni Paul Hapin | RP1 Albay

📸DSWD Bicol

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us