Nasa Pilipinas ngayong araw si United States Defense Sec. Lloyd Austin para kaniyang Opisyal na pagbisita.
Katunayan, magpupulong sina Austin at Defense Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. para sa pagrepaso gayundin ang pagpapatibay sa bilateral cooperation ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Teodoro, pagkakataon din ito upang pasalamatan ang Amerika sa mga hakbang nitong itaguyod ang matatag na aliyansa ng dalawang bansa sa gitna ng mararahas at panganib na hakbang ng China sa West Philippine Sea.
Matapos ang isasagawang pagpupulong sa Kampo Aguinaldo, kapwa bibisita ang dalawang Defense Chief sa Palawan partikular na sa Western Command para magsagawa ng pag-iinspeksyon doon.
Ito na ang ika-4 na pagbisita ng US Defense Chief sa Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala