Nagsasagawa na ng validation ang Department of Agriculture sa mga sakahan na tinamaan ng Super Typhoon Pepito.
Ayon kay DA Spokeperson Asec. Arnel de Mesa, mula nang tumama ang Bagyong Kristine, nasa higit P10-B na ang halaga ng pinsala na inabot ng agri at fisheries sector.
Sa Catanduanes na labis na tinamaan ng Bagyong Pepito, kasama sa minomonitor ang industriya ng abaca.
Sa ngayon, nakatutok aniya ang DA sa paghahatid ng tuloy tuloy na interventions gaya ng farm inputs at indemnification sa ilalim ng PCIC.
Nakailang replenishment na rin ang Quick Response Fund ng kagawaran para matugunan ang recovery at rehabilitasyon ng mga sakahan.
Nakikipagugnayan na rin ang DA sa mga regional office para sa posibleng deployment ng mga Kadiwa truck na maghahatid ng mas murang bilihin sa mga biktima ng kalamidad.
Sa oras namang humupa na ang mga pagbaha, tiniyak ng DA na aalalayan din ang mga magsasaka para sa paghahanda sa dry season planting. | ulat ni Merry Ann Bastasa