Humina na sa isang Severe Tropical Storm ang Bagyong Pepito habang nasa West Philippine Sea.
Huli itong namataan sa layong 270 km kanluran ng Batac, Ilocos Norte taglay ang lakas ng hanging aabot ng 110 km/h malapit sa gitna at pagbugsong 135 km/h.
Nasa Signal no. 1 ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, western portion ng Pangasinan (Burgos, Dasol, Sual, Mabini, Binmaley, San Fabian, Dagupan City, Lingayen, Labrador, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Infanta, Bugallon, Mangaldan), at western portion of Abra (Danglas, Bangued, Langiden, La Paz, Pidigan, San Quintin, San Isidro, Pilar, Peñarrubia, Villaviciosa, Lagayan).
Ayon sa PAGASA, wala nang banta ng storm surge pero nakataas pa rin ang Gale Warning sa northern seaboard ng Northern Luzon.
Inaasahang lalabas na ng PAR ang bagyo ngayong tanghali o hapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa