Patuloy na minomonitor ng Department of Energy ang supply ng enerhiya sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Pepito.
Sa kanilang pinakuhuling energy situation report, nasa 3 power plants ang nakapagtala ng plant outage; habang nasa 6 na spug plant ang nanatiling operational; habang may 24 na diesel power plant ang naka standby at handang tumulong vsa supply ng energhiya sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Pepito.
Kaugnay nito, nasa 55 na Electric Cooperatives naman ang under monitoring ng DOE hinggil sa sitwasyon ng supply ng kuryente sa kanilang mga area of coverage.
Samantala, na-restore na ng National Grid Corporation of the Philippines katuwang ang DOE sa ilang transmission lines mula sa naga Lagonoy 69 KV line, Naga Iriga 69 KV line, Calbayog Allen 69 KV line, Tiei Pawa 69 KV line at Naga Limban 69 KV line. | ulat ni AJ Ignacio