Magkakasa rin ng relief efforts ang ACT-CIS Party-list sa mga naapektuhan ng bagyong Pepito sa Aurora at Nueva Vizcaya.
Ayon kay ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, mayroon naman na silang nakahandang bigas at canned goods na ipapamahagi sa mga biktima ng bagyo.
Aniya, gusto nilang sa Aurora naman magpadala ng tulong lalo at dito nag-second landfall ang bagyong Pepito.
Bukod dito, mayroon na rin naman aniyang relief drive ang Kamara na ipinadala sa Bicol matapos padapain ng magkakasunod na bagyo.
Kasama rin ani Tulfo sa hahatiran nila ng tulong ang Nueva Vizcaya na lubhang naapektuhan din ng bagyong Pepito.
“…ang plano sana naming sa Bicol, pero dahil nakita naman at dito sa report ng Congress na 20 plus trucks, siguro ang Aurora naman, kailangan natin tulungan, babaan doon, dahil tinamaan din yung Aurora, doon nag-a-second landfall. Pati nga ang Nueva Vizcaya. So, magko-coordinate kami sa mga LGU doon or sa mga congressman ng Aurora at sa Nueva Vizcaya para ipadaan na lang naming sa kanila yung mga donation namin. Naka-ready naman may mga bigas kami at siya may mga delata.” sabi ni Tulfo | ulat ni Kathleen Forbes