Panukalang Barangay Management and Information System, makatutulong tuwing may kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ng House Committee on Information and Communications Technology ang pagbuo ng technical working group (TWG) para sa pagtatag ng Barangay Management and Information System.

Ayon kay Committee Chair at Navotas Representative Toby Tiangco, layon ng House Bill 150 na magkaroon ng centralized system para sa mas madali ang decision making lalo na kung may kalamidad.

Mas mapapadali umano nito ang pag analisa ng mga datos at mas maagap na pagdedesisyon tuwing may kalamidad sa bansa.

Layon din ng panukalang batas na magkaroon ng isang centralized system, na magsisilbing repository ng mga impormasyon sa lahat ng mga barangay sa buong bansa gaya ng evacuation centers at health centers.

Una nang sinabi ni Albay 3rd District Representative Fernando Cabredo na may akda ng batas, na malaki ang magagawa ng hakbang tuwing may kalamidad upang ma-access agad ang mga indibidwal na nangangailangan ng kagyat na tulong mula sa gobyerno.

Ang technical working group ay pangungunahan ni Bataan Rep. Angela Garcia. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us