Sinisiguro ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Catanduanes Provincial Government na magpapadala pa ito ng karagdagang family food packs para sa mga naapektuhan ng bagyong Pepito.
Ayon kay Secretary Gatchalian, magpapadala ang DSWD ng dagdag na 45,000 family food pack (FFPs), bukod pa ito sa 10,000 FFPs na naka-preposition na bago pa man mag-landfall ang bagyong Pepito.
Asahan umano na mqkukumplero sa Sabado ang Ang karagdagang relief assistance.
Ipinarating din ng DSWD chief ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, kung saan pinuri nito ang ginawang preemptive evacuation efforts ng provincial at local government ng Catanduanes na nagresulta sa zero casualty.
Sabi pa ng kalihim na bukod sa dagdag na mga food packs, kasalukuyang pinoproseso na ng ahensya ang paglalaan ng tulong pinansyal sa mga pamilyang sinalanta ng bagyo. | ulat ni Rey Ferrer