Inaprubahan ng House Committee on Women ang Gender Equality ang consolidation ng panukalang pagpapataw ng mas mahigpit na parusa sa paglabag ng gender-based sexual harassment sa mga workplace at education or training center.
Layon ng panukalang batas na amyendahan ang Safe Spaces Act o RA 11313.
Ayon kay Bataan Rep. Geraldine Roman na siyang chair ng committee kelangan ng mas mabigat na parusa sa mga government officials or employees na lalabag sa naturang batas.
Sa ilalim ng panukalang amyenda, para sa 1st time offender, ito ay nahaharap sa mandatory suspension sa public office nang hindi hihigit ng anim na buwan, may multang P50,000 hanggang P100,000 at mandatory completion ng gender sensitive training program.
Para naman sa repeat offenders, may multang P100,000 to P200,000, mandatory dismissal from public office at disqualification from holding public office ng limang taon, permanent record ng paglabag, public apology at referral sa oversight body.
Diin ni Roman ito upang palakasin ang accountability ng mga nasa public office.
Sakaling maisabatas, inaatasan ang Department of the Interior and Local Government, Civil Service Commission at iba kang kinauukulang ahensya ng gobyerno na mag-issue ng implementing rules and regulations (IRR) upang maging panuntunan ng amyenda.| ulat ni Melany V. Reyes