Itinutulak ngayon sa Kamara ang Bawal Judgemental Bill o ang Open Door Policy Act upang maiwasan ang diskriminasyon sa mga marginalized sector na nais kumuha ng transaksyon o serbisyo ng pamahalaan.
Sa ilalim ng House Bill 11078, ipagbabawal ang strict dress code o paghihigpit sas kasuotan kung wala naman itong kinalaman sa frontline service na ina-access ng indibidwal.
Giit ni Akbayan Representative Perci Cendaña nauuwi lang kasi ito sa diskriminasyon at pagtaboy sa mga mahihirap at indigenous communities na maaaring walang pambili ng bagong damit.
“Gusto natin tanggalin yung pagiging judgmental sa dress or attire lalo na kung hindi naman konektado sa nasabing serbisyo yung pananamit. We want government frontline services to be truly accessible. Hindi lahat afford ang outfit check. We want government offices to welcome everyone no matter your socioeconomic status,” sabi ni Cendaña.
Oras na maisabatas, ang paglabag dito ay maaaring ikonsidera na gross neglect of duty papatawan ng administrative o disciplinary action ang opisyal o empleyado ng gobyerno. | ulat ni Kathleen Forbes