Nagsimula na sa kanyang trabaho ang bagong talaga na Presiding Justice ng Court of Appeals.
Kahapon, nanumpa si Court of Appeals Associate Justice Fernanda Peralta bilang bagong Presiding Justice ng Appellate court kay President Ferdinand R. Marcos Jr.
Simula noong September 2023, ang 64-taong gulang na si Justice Peralta, na siya ring most Senior Associate Justice ng CA ay tumayong Acting Presiding Justice matapos magretiro si Presiding Justice Remedios Salazar Fernando.
Si Justice Peralta ay asawa ni retired Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na nagsilbi naman noong 2019 hanggang 2021.
Si Justice Peralta ay nag-aral ng abogasya sa San Beda College at Far Eastern University noong 1981 hanggang 1984 at pumasa sa Bar Examination ng kaparehong taon.
Noong 1986, siya ay nagtrabaho sa Office of the Solicitor General bilang trial lawyer at Assistant Solicitor noong 1997 hanggang 2004.
Noong 2004 ay itinalaga siya ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Associate Justice ng Court of Appeals. | ulat ni Mike Rogas