Malacañang, nag-isyu ng pahayag hinggil sa panawagan ni PBBM para sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan ang marangyang pagdiriwang ngayong Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng government agencies na iwasan muna ang marangyang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Sa harap na din ito ng kasalukuyang sitwasyon ng milyon-milyong mga kababayan natin na nabiktima ng anim na sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.

Sa inilabas na statement ng Office of the Executive Secretary, inihayag nitong ang apela ay ginawa ng Pangulo gayung marami pa din sa ating mga kababayan ang hanggang ngayo’y nagdadalamhati sa pagkawala hindi lamang ng kanilang kabuhayan at tahanan kundi pati na ng kanilang mga mahal sa buhay.

Hindi na aniya kailangan pang maglabas ng opisyal na komunikasyon hinggil dito gayung tiwala aniya sila sa kabutihan ng mga kapwa manggagawa sa pamahalaan at kayang magpatupad ng pagtitipid sa gagawing mga pagdiriwang.

Kasabay nito’y titiyakin aniya ng Palasyo na mararamdaman ang diwa ng Kapaskuhan ng mga apektadong mga lugar na nasalanta ng kalamidad sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na tulong mula sa pamahalaan.

Tuloy ayon sa Malacañang ang pagdiriwang ng Pasko kasama ang mga kababayang nasalanta ng mga sunod-sunod na kalamidad.

Dagdag ng Palasyo na ang tunay na diwa ng Pasko ay humihimok sa bawat isa na ipagdiwang ito nang may malasakit, ibahagi ang mga biyaya, at maghatid ng kasiyahan.

Bilang isang sambayanang pinag-iisa, ayon sa Palasyo, ay maaaring maisa-isantabi ang lungkot habang ipinagdiriwang ang panahon ng Kapaskuhan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us