Mananatiling matibay at matatag na alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na lalong lumalago sa nakalipas na apat na dekada.
Ito ang binigyang-diin ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III makaraang saksihan nito ang groundbreaking para sa Combined Coordination Center sa Kampo Aguinaldo kahapon.
Ayon kay Austin, sa kabila ng pagbablik ni US President Donald Trump sa poder, wala aniyang magbabago sa halip ay lalo pang palalakasin ang alyansa na anito’y kasing tigas ng bakal.
Bilang pagpapatunay ani Austin ay tutulong na rin ang mga tropa ng Amerika sa relief efforts para sa mga sinalanta ng magkakasunod na bagyong tumama sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala