Panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, ikinatuwa ng mga tsuper ng pampublikong transportasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagaman ikinatuwa, umaasa ang mga tsuper ng pampublikong transportasyon na masusundan pa ang ipinatupad na rollback ng mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto.

Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang tsuper na malaking bagay sa kanila ang naturang rollback lalo pa’t sunud-sunod na bagyo ang sumalanta sa bansa na naka-apekto sa kabuhayan ng marami.

Anila, napapanahon ang rollback na ito para makatulong sa kanilang sektor na makabangon sa epektong dulot ng bagyo.

Kaya naman ang hiling nila ay magtuloy-tuloy na sana ang rollback hanggang sa Pasko upang kahit paano’y magkaroon din sila ng kahit paano’y bonus sa kita.

Nabatid na simula ngayong araw, ₱0.75 ang rollback sa kada litro ng Diesel habang ₱0.85 naman ang bawas presyo sa kada litro ng Gasolina. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us