Umaasa si House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan na susuportahan ng Senado ang mas malaking pondong inilaan para sa mga targeted cash aid programs ng gobyerno sa 2025 national budget.
Ayon kay libanan mataas ang kanilang pagasa na i-eendorso ng Senado ang P114-B na alokasyon para sa 4Ps, gayundin ang P39-B para sa AKAP, na nakapaloob sa House Bill No. 10800 o ang panukalang 2025 General Appropriations Act.
Dagdag niya na ang dalawang programa ay mahalaga upang maisulong ang mga prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na sa pagbibigay ng cash subsidies na tutulong sa mga pamilyang nangangailangan sa gitna ng pandaigdigang pagtaas ng presyo.
Ayon sa datos, ang mga cash transfer programs ng gobyerno ay napatunayang cost-effective sa pagpapabuti ng buhay ng mahihirap at pagtaas ng antas ng konsumo ng mga pamilya.
Diin ng mamababatas malinaw na sinusuportahan ng Pangulo ang AKAP. Katunayan, pinirmahan niya ang 2024 General Appropriations Law na naglaan ng P26.7-B para sa AKAP.
Ang AKAP, o Ayuda sa Kapos Ang Kita Program, ay nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga minimum wage earners na nasa low-income category at lubos na apektado ng tumataas na inflation.
Samantala, ang 4Ps, o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ay nagbibigay ng cash grants sa 4.4 milyong kabahayan. | ulat ni Melany Reyes