Magpapatupad ng “rotation” ang Office of Civil Defense (OCD) dahil sa naitalang pagkakasakit ng ilang mga tauhan nito dulot ng sunud-sunod na bagyong tumama sa bansa.
Ito’y ayon kay OCD Executive Director, USec. Ariel Nepomuceo, kasabay ng pagtitiyak nito sa publiko na hindi sila magpapatinag sa pagganap ng tungkulin sa kabila ng pagod at pagkakasakit sa kanilang hanay.
Sa ngayon, nagpapatupad sila ng “rotation” upang mabigyang pagkakataon ang mga nagkakasakit nilang tauhan na makapag pahinga.
Nagpadala naman na aniya ng medicl team ang Department of National Defense (DND) partikular na ng mga Doktor at Nurse para tingnan ang kanilang kalagayan at para suriin ang kanilang kalusugan.
Binigyang diin naman ni Nepomuceno ang pagiging aktibo ng iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan sa nakalipas na mga bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala