Welcome development para kay Quad Comm co-chair Dan Fernandez ang hakbang ng DOJ Task Force na imbestigahan ang posibleng paglabag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Humanitarian Law.
Kasunod ito ng pag-kumpirma mismo ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na nagsisiyasat na ang Task Force sa posibleng paglabag ng dating pangulo sa Republic Act No. (RA) 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity dahil sa umano’y extra judicila killings o EJK na naganap sa ipinatupad na war on drugs ng kaniyang adminsitrasyon.
Paalala ni Fernandez, nakasaad sa section 8 ng batas, ang pananagutan ay hindi lamang sa mga direktang may kagagawan sa krimen kundi pati na rin sa mga nasa posisyon ng awtoridad na nag-utos, humiling, o nag-udyok ng mga krimeng ito.
Tinukoy pa nito ang naging pag-ako ni Duterte ng lahat ng legal at moral na pananagutan sa mga aksyon ng pulisya sa panahon ng kampanya laban sa droga.
“Republic Act 9851 na kung saan sinasabi na nagkaroon ng violation…kasi nga yung mga superior, ay meron silang responsibility sa action taken by the lower ranks. At basically ito yung sinasabi natin before sa hearing that under Republic Act 9851 ay makakano na responsibility ang mga commander in chief. So I am so happy, happy kami. The Executive Department are now doing their responsibility as well na to pursue yung mga possible cases against the former administration.” Ani Fernandez.
Samantala, ngayong araw ay sinumulan ng House committee on public order and safety ang motu proprio investigation ukol sa isyu ng mga pulis na naapektuhan at naging biktima ng pagsunod sa mg autos sa ilalim ng war on drugs ng nakaraang adminsitrasyon. | ulat ni Kathleen Forbes