Wala pang maipakitang datos ang Department of Agriculture sa lawak at halaga ng pinsala na dulot ni bagyong Pepito.
Hanggang ngayon, patuloy pa ang assessment na ginagawa ng DA Regional Field Offices sa mga apektadong lugar.
Pero tiniyak ng ahensya na may mga intervention ng nakahanda para sa mga magsasaka at mangingisda.
Tulad ng mga binhi ng palay, mais at high value crops, mga gamot sa hayop na ipapamahagi sa mga magsasaka.
Mga fish stocks at kagamitan naman para sa mga mangingisda.
Bukod pa dito ang financial aid at pautang kabilang ang Quick Response Fund at bayad pinsala mula sa Philippine Crop Insurance Corporation at SURE Program ng Agriculrural Credit Policy Council.
Dahil sa perwisyong dala ng mga bagyo sa sektor ng agrikultura, babantayan din ng DA ang mga presyo at galaw ng agricultural commodities. | ulat ni Rey Ferrer