Nakahandang sumunod ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iwasan ang magarbong selebrasyon ng Christmas parties.
Ayon sa opisina ni CICC Executive Director Alex Ramos, wala pa silang plano hinggil sa nalalapit na selebrasyon ng Kapaskuhan.
Nakatutok kasi anila ang kanilang opisina sa budget hearings at pagbibigay serbisyo publiko.
Pero tiniyak ng nasabing ahensya na handa silang tumalima sa panuntunan ng Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Lorenz Tanjoco