Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng “Amihan Season” o Northeast Monsoon ngayong araw.
Ito ay matapos maobserbahan na ang paglakas ng Northeasterly Winds sa hilagang bahagi ng Luzon, matapos ang pananalasa ng bagyong Pepito.
Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, asahang magiging malamig na ang panahon at titindi pa sa mga susunod na mga araw.
Aniya, ang mga episode ng hangin at malamig na temperatura pati na ang pagtaas ng prevalence ng maalon na kondisyon ng karagatan, partikular sa seaboards ng Luzon ay inaasahan sa mga darating na buwan.
Tiniyak naman ng PAGASA ang patuloy na pagbabantay sa kondisyon ng panahon sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer