Pangulong Marcos, nakausap na si US Pres. Trump; Pagpapalalim pa ng samahan ng US at PH, isusulong ng 2 lider

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang patuloy pang pagpapatatag ng kooperasyon ng Pilipinas at Estados Unidos, sa ilalim ng administrasyon ni President-Elect Donald Trump.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kaninang umaga (November 19), nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap sa telepono si Pres. Trump, kung saan ipinaabot niya ang pagbati sa pagkakapanalo nito sa katatapos lang na US elections.

“At nakausap ko siya kaninang mga — kaninang umaga at naalala naman niya ang Pilipinas. Ang kaibigan niya talaga mother ko. Kilalang-kilala niya ‘yung mother ko. Kinukumusta niya si — “How is Imelda?”, how is ano… Sabi ko, binabati ka nga at…” -Pangulong Marcos.

Sabi ng Pangulo, napag-usapan nila ang samahan ng Maynila at Washington, kung saan binigyang diin ng Pilipinas ang commitment nito na patatagin pa ang malalim na samahang ito. 

“Tapos ay patuloy naming pinag-usapan ang samahan — the alliance between the United States and the Philippines. And I expressed to him our continuing desire to strengthen that relationship between our two countries, which is a relationship that is as deep as can possibly be because it has been for a very long time. ” -Pangulong Marcos

Nabanggit rin ng Pangulo na kabilang ang mga Pilipino sa US, sa bumoto kay Trump.

“And I also reminded the President-elect that ang mga Pilipino sa Amerika overwhelmingly naging — binoto nila si Trump. Kaya’t I’m sure maaalala niya ‘yan pagka tayo ay – ‘pag nagkita kami at plano kong makipagkita sa kanya as soon as I can.” -Pangulong Marcos.

Sabi ni Pangulong Marcos, plano niyang personal na makapulong ang president-elect.

“Sabi niya siguro baka nasa White House na siya bago ako makapunta. But anyway, it was a very good call, it was a very friendly call, very productive. And I am glad that I was able to do it and I think President-elect Trump was also happy to hear from the Philippines.” -Pangulong Marcos

Bagamat hindi natalakay ang sitwasyon ng Filipino migrants sa US, pagsisiguro ng Pangulo, tinututukan na ito ng ambahador ng Pilipinas sa Estados Unidos.

“We didn’t talk about that. We didn’t talk about that. It was just a congratulatory call. But, of course, our ambassador is already working on that.” -Pangulong Marcos |ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us