Inilatag na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang 5-Point Agenda para matugunan ang mga suliranin sa basic education.
Sa pangunguna ni Education Secretary Sonny Angara, binuo ang naturang plano na nakabatay sa mga pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address.
Layunin ng 5-Point Agenda na tiyakin ang:
- maayos na learning environment;
- maayos na kalagayan ng mga guro;
- maayos na learning delivery at,
- ang pagtiyak sa future-ready workforce
Binigyang pansin din ng DepEd ang learning losses na nakita sa mababang test performance tulad ng Programme for International Student Assessment o PISA at iba pang academic metrics kung saan lumalabas sa datos na 9 sa 10 bata ang hindi makabasa o makaintindi ng simpleng teksto.
Bukod dito, tututukan din ang kakulangan sa mga silid-aralan, mga problema sa procurement, at ang mga polisiya sa panahon ng kalamidad.| ulat ni Diane Lear