Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang huling tranche ng cash assistance sa halos 1,500 pamilya sa Bacoor City na nasunugan noong Setyembre 10.
Ayon kay DSWD Field Office -CALABARZON Regional Director Barry Chua ang bigay na tulong pinansiyal ay mula sa Emergecy Cash Transfer ng ahensya.
Nauna nang ipinagkaloob ang una at ikalawang tranches noong Setyembre at Oktubre kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig P10,140 at P24,940.
Para sa huling tranche ng tulong pinansyal, nakatanggap ang mga benepisyaryo ng halagang P15,000 bawat isa.
Ang ECT ay isang adaptive strategy na nagbibigay ng mabilis na pagtugon sa mga nangangailangang pamilya at indibidwal na naapektuhan dulot ng kalamidad at emergency. | ulat ni Rey Ferrer