Sinertipikahan na ng Malacañang bilang urgent bill ang panukalang P6.352 trillion 2025 budget.
Natanggap na ni Senate President Chiz Escudero ang urgent bill certification na pirmado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ngayong may urgent bill certification na, kapag naaprubahan sa ikalawang pagbasa ay hindi na kailangang hintayin ang 3-day rule para maipasa ang ito sa third and final reading.
Ngayong araw, target tapusin ng Senado ang deliberasyon sa plenaryo ng panukalang 2025 budget.
Pagkatapos ay dadaan ito sa period amendments at inaasahang sa susunod na linggo ay maipapasa na sa ikalawa at ikatlong pagbasa.
Saka naman ito sasalang sa bicameral conference committee para mapagkasunod angnbersyon ng senado at Kamara ng Budget bill.| ulat ni Nimfa Asuncion