Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa “easing cycle” pa rin sila ngayon tungo sa pagbabawas ng interes rate.
Ayon kay BSP Gov. Eli Remolona, ang pangatlong pagbabawas ng interest rate ay posible sa huling meeting ng monetary board sa Disyembre o sa unang pulong ng taong 2025.
Hindi naman masabi ni BSP chief kung ito ay mas higit o mas maliit sa naunang dalawang tig 25 basis points na rate cut.
Aniya, inaasahan naman na pasok sa target range ng economic managers ang November inflation na nasa 2% to 4% percent kasunod ng 2.3 October inflation.
Aniya ang pagbagal ng inflation ay suportado ng pagbaba ng presyo ng bigas dahil sa tariff rate cut sa imported na bigas.| ulat ni Melany V. Reyes