Mga pampublikong paaralan sa bansa, hinimok ng DepEd na gamitin ang kanilang savings bilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyo ngayong panahon ng Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa na gawing simple lamang ang kanilang pagdiriwang ng Pasko.

Ito’y ayon kay Education Secretary Sonny Angara, alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan na huwag maging magarbo ang pagdaraos ng Christmas parties.

Ayon sa kalihim, kaisa sila ng Pangulo sa pagdamay, pag-alala at pagmamalasakit sa mga kababayang matinding naapektuhan ng sunod-sunod na mga bagyong dumaan sa bansa.

Kaya naman, hinimok ni Angara ang mga school official na gamitin na lamang ang kanilang savings bilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyo dahil sa ang pagbibigaya ang tunay na diwa ng Pasko. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us