Mabilis na paghahatid ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng Super Bagyong Pepito, tinalakay sa pulong ng Inter-Agency Coordinating Cell ng NDRRMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinitingnan ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang ilang istratehiya o hakbang upang mabilis na maihatid ang tulong ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang Super Bagyong Pepito.

Sa pagpupulong ng Inter-Agency Coordinating Cell ng NDRRMC, sentro ng kanilang operasyon ang lalawigan ng Catanduanes na siyang pinakanapuruhan sa pananalasa ng bagyo.

Bukod sa 82 truck na magkakarga ng mga relief supply, tinitingnan din ang paggamit ng air transport gayundin ng Roll-On/Roll-Off (RORO) vessels para sa agarang pamamahagi ng ayuda.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) OIC Administrator for Operations, Assistant Secretary Cesar Idio, kabilang din sa prayoridad ay ang mga nasalanta ng bagyo sa Tabaco, Albay na isa sa mga unang nakalasap ng hagupit ng bagyo.

Nasa 13,000 pamilya pa rin aniya ang nananatili sa evacuation centers sa Camarines Sur habang nasa mahigit 4,000 pamilya ang nananatili rin sa evacuation centers sa lalawigan ng Cagayan dahil sa pagbaha.

Iginiit pa ng OCD na kailangang madaliin ang paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo lalo’t target din nilang mabuksan agad ang mga paaralang ginamit bilang evacuation centers para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us