Debate sa plenaryo para sa panukalang 2025 national budget, sinara na ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mag-aalas-4 ng umaga ngayong araw ay tinapos na ng Senado ang period of interpellation o ang deliberasyon sa plenaryo ng panukalang 2025 General Appropriations Bill (GAB) o ang panukalang Pambansang Pondo para sa susunod na taon.

huling sumalang sa plenary deliberation ang panukalang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa anunsyo ni Deputy Majority Leader JV Ejercito, ngayong araw itinakda ang deadline sa pagsusumite ng mga senador ng kanilang panukalang institutional at individual amendment sa budget bill.

Nagpasalamat naman si Senate President Chiz Escudero sa pagpupursige ng mga senador sa nakalipas na dalawang linggong magdamagan nilang budget deliberations.

Una nang sinabi ni Senate Committee on Finance Chairperson Senador Grace Poe na naaayon pa rin sa kanilang schedule ang itinatakbo ng budget process sa Senado.

Sinabi rin ni Poe na bibigyan muna ng panahon ang mga senador na paghandaan ang kanilang mga panukalang amyenda sa panukalang Pambansang Pondo batay sa itinakbo ng Plenary debates.

Matatandaang natanggap na ng Senado ang Urgent Bill Certification ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa 2025 GAB.

Ibig sabihin nito, oras na maaprubahan ng Senado sa Second Reading ang Budget Bill ay hindi na kailangang sundin ang 3-day rule at pwede na ito agad na aprubahan sa Third and Final Reading. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us