PBBM: Replanting efforts, hakbang na dapat gawin sa gitna ng lawak ng pinsalang nilikha ng mga tumamang bagyo sa agrikultura

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangang maibilang ang pagsasagawa ng replanting bilang kasama sa plano ng pamahalaan kasunod ng pananalasa ng kalamidad.

Ayon sa Pangulo, pinakamalaking problemang maituturing  na epekto ng mga nagdaang bagyo ay ang agricultural damage.

Sa Catanduanes na lang sabi ng Pangulo, ay napag-alamang labis na naapektuhan ang produksyon ng abaka habang marami ding nasirang pananim.

Sa kabilang dako ay inihayag naman ng Pangulo na maituturing na immediate concern ay ang pagdadala ng reconstruction materials.

Nakahanda naman ayon kay Pangulong Marcos ang pamahalaan na magdala ng construction materials sa mga lugar na nangangailangan bunsod ng naganap na paghagupit ng kalamidad.

Bukod pa aniya dito ang ibinibigay na cash assistance para sa mga household na partially damaged at sa may totally damaged na kabahayan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us