Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy at hindi nagbabago ang suporta nito sa Ukraine sa gitna ng hinahangad nitong kasarinlan, pagiging independent, gayundin ang inaasam na territorial integrity.
Ang muling pagpapaabot ng suporta ay ipinahayag ng Pangulo kasunod ng pagsapit kahapon Ng ika-1,000 araw ng pagsisimula ng giyera sa pagitan ng Ukraine at ng Russia.
Ayon sa Pangulo, walang pagbabago sa hanay ng Pilipinas hinggil sa suporta nito sa Ukraine habang hangad din aniya niya na makamit na nito ang pangmatagalang kapayapaan.
Pati ang hinahangad na katarungan, sabi ng Chief Executive ay hangad niyang maabot na din ng Ukraine sa hinaharap.
Dagdag ng Pangulo na nananatiling isang
mahalagang partner ang Ukraine habang lalo ding lumalakas ang ugnayan dito ng bansa. | ulat ni Alvin Baltazar