LEGAZPI CITY, ALBAY — Mabilis na kumikilos ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region, katuwang ang mga boluntaryo mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP), upang ibaba ang karagdagang family food packs (FFPs) mula sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) kahapon, November 19, 2024.
Aabot sa 10 trak na may dalang kabuuang 16,550 FFPs ang nakatakdang maihatid sa regional warehouse na matatagpuan sa Barangay Bogtong, Legazpi City.
Ang mga food packs na ito ay bahagi ng agarang pagtugon ng DSWD sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at lubos na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito sa buong Bicol Region.
Patuloy na inaasahan ng ahensya ang tulong ng mga lokal na pamahalaan para sa mabilis na distribusyon ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | RP1 Albay