Umakyat na sa siyam ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pananalasa ng mga bagyong Nika, Ofel, at Pepito sa bansa.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala rin ito ng 16 na nasaktan at 4 na nawawala.
Sa kasalukuyan, aabot sa mahigit 820,000 pamilya o katumbas ng mahigit 3-milyong indibidwal ang apektado ng bagyo sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Cordillera.
Aabot naman sa mahigit 82,000 pamilya o katumbas ng nasa 300,000 indibidwal ang nananatili ngayon sa mga evacuation center. | ulat ni Jaymark Dagala