Panukala para sa pagbibigay oportunidad sa trabaho para sa mga retirado nang senior citizen, lusot na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 10985 na layong bigyan pa rin ng oportunidad na makapagtrabaho ang mga senior citizen kahit nasa retirement age na.

Giit ni Speaker Martin Romualdez, dapat bigyang pagkakataon pa rin ang mga senior citizen na maging produktibong mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho upang hindi sila umasa lang sa pensyon nila, lalo na kung kaya pa naman nilang kumilos.
 
“They (senior citizens) should also be given the opportunity to be given post-retirement careers, like for example doing menial jobs that are not physically strenuous. Let’s allow them to be still productive citizens of the country. If advanced economies can do it, why can’t we?” sabi ni Romualdez.
 
Inaatasan ng panukala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Public Employment Service Offices (PESO) na magbigay impormasyon at matching services sa mga senior citizen na kaya at gusto pa magtrabaho.

“All government agencies and private entities shall institute an employment program that promotes the general well-being of senior citizens and ensure access to employment opportunities to those who have the qualifications, capacity, and interest to be employed,” saad sa panukala.
 
Nakapaloob din dito ang mga trabaho na maaaring pasukan nila gaya ng clerical o secretarial works, consultancy, cleaning o janitorial services, event organizing, teaching, kitchen help, sales assistance, at Business Process Outsourcing (BPO).
 
Ang mga pribadong kompanya na makikibahagi ay bibigyan ng dagdag na deduction sa kanilang gross income na katumbas ng 25% ng kabuuang halaga ng kabayaran para sa salaries, wages, benefits at training para sa senior citizens.
 
Ililibre na din ang pagkuha ng senior citizens ng mga dokumento para sa pagpasok sa trabaho gaya ng Birth Certificate, Police Clearance, at Medical Certificate. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us