Nasa kabuuang 1,263 katao mula sa Cabadbaran City, bayan ng RTR, at Nasipit sa probinsiya ng Agusan del Norte ang tatanggap ngayong araw ng kanilang sahod para sa 15 araw na pagtatrabaho bilang benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa nasabing bilang, 398 rito ay mula sa Nasipit, 713 naman sa Cabadbaran City, habang 158 sa bayan ng RTR.
Sa TUPAD, sasahod ang bawat benepisyaryo ng P385 o kabuuang P5,775 sa loob ng 15 araw na pagtatanim ng gulay na sahog sa pagluluto ng pinakbet at high-value crops sa isinusulong na sustainable agriculture sa ilalim ng proyektong Plant Plant Plant ng pamahalaang panlalawigan ng Agusan del Norte, kung saan target na mataniman ang 125,000 ektaryang lupain.
Nakatakdang magsimula ngayong linggo ang bagong 4,774 na benepisyaryo ng TUPAD at inaasahang tatanggap ng sahod sa ikatlong linggo ng December 2024. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan