Narating na at nahatiran ng tulong ng Department of Social Welfare and Development ang mga mangingisda sa coastal areas sa Bicol Region na naapektuhan ng bagyong Pepito.
Kabuuang 481 family food packs ang naipamahagi ng Field Office 5 sa mga pamilya na nakatira sa Barcelona, Sorsogon.
Ayon sa DSWD, prayuridad nilang mapuntahan ang komunidad ng mga mangingisda na lubhang naapektuhan ang kanilang kabuhayan.
Nagpahayag naman ng matinding pasasalamat ang mga pamilya sa hatid na tulong ng pamahalaan.
Pagtiyak pa ng DSWD na patuloy nilang babantayan ang sitwasyon sa apektadong lugar at nangangakong maghatid pa ng kinakailangang suporta hanggang ganap na makarekober ang mga apektadong pamilya. | ulat ni Rey Ferrer