Dalawang araw na nagsagawa ng “Brown Rice Feeding Program and Be RICEponsible Campaign”ang Department of Agriculture sa Project 6 Elementary School sa Quezon City.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng selebrasyon ng National Rice Awareness Month (NRAM).
Mahigit 2,000 mag-aaral at kawani ng paaralan ang nakinabang sa programa.
Nilalayon nito na itaas ang kamalayan ng mga magaaral,
itaguyod ang mas mabuting kalusugan, at ang responsableng pagkonsumo ng bigas.
Gayundin masusuportahan ang local rice farmers at makamit ang sapat na bigas, bukod sa iba pa.
Isinasakatuparan ang National Rice Awareness Month tuwing Nobyembre alinsunod sa Presidential Proclamation No. 524 Series of 2004.
Ayon sa DA, ang pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral sa elementarya, ay magbigay ng inspirasyon sa isang bagong henerasyon ng mga responsableng mamimili ng bigas. | ulat ni Rey Ferrer