OVP Chief of Staff, humarap na sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee; Isang opisyal ng OVP, pina-contempt muli

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humarap na sa House Blue Ribbon Committee si Atty. Zuleika Lopez, Chief-of-Staff ng Office of the Vice President (OVP).

Nagpasalamat naman si Lopez sa komite sa pagpapahintulot sa kaniya na tugunan ang medical emergency ng kapamilya.

Matatandaan na hindi nakadalo si Lopez sa mga naunang pagdinig dahil sa lumipad siya pa-Amerika noong November 4, dahilan para siya ay ipa-subpoena.

Isa si Lopez sa sinasabing ‘inner circle’ ni Vice President Sara Duterte na nakakaalam o may kontrol sa confidential funds.

Hindi naman naisilbi ng otoridad ang contempt order laban sa iba pang opisyal ng OVP na pinapatawag, partikular si Special Disbursement Officer Gina Acosta, dating DepEd SDO Edward Fajarda, dating Assistant Secretary Sunshine Fajarda, at Assistant Chief-of-staff Lemuel Ortonio.

Nauwi naman sa muling pagpapa contempt kay Ortonio ang kaniyang hindi pagsipot.

Ayon kay Rep. Jil Bongalon, na nag-mosyon para sa ikalawang contempt order, maituturing na pambabastos sa komite ang patuloy na hindi pagsipot ni Ortonio kahit alam naman niyang pinapatawag na siya.

Ang pangalawang contempt order kay Ortonio ay dahil sa paglabag sa Section 11 E at F ng Rules ng Komite.

“Upon reading of this letter, Mr. Chair, I have not seen any valid reason for Mr. Lemuel Ortonio not to attend in today’s hearing. In fact, he has stated that he is aware that a contempt order and an arrest order were issued against him. And in fact, he is requesting that these orders be lifted for him to participate in the next committee. Let me emphasize, Mr. Chair, that this letter was dated. It’s dated November 12, 2024.” diin ni Bongalon

Pinapadetine si Ortonio sa Bicutan City Jail ng 10 araw.

Nagpadala naman ng liham ang bise presidente na hindi sya dadalo sa pagdinig. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us