Sen. Hontiveros, nagbabala sa pag usbong ng mga ‘guerilla scam’ operations

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala si Senator Risa Hontiveros sa paglaganap ng mga guerilla scam operations sa bansa, bilang kapalit ng mga iligal na Philippine offshore gaming operators (POGO).

Sa naging deliberasyon sa plenaryo ng panukalang 2025 budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT), tinanong ng senador kung ano ang ginagawa ng ahensya kaugnay sa trend na ito.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, na tumayong sponsor ng DICT budget, sa ngayon ay nakahuli na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng 11 scam hubs.

Ginawa aniya ito sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang law enforcement agencies kabilang ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Dagdag ng senador, mayroon nang teknolohiya ang DICT upang matukoy din ang mga scam hub sa bansa, at hotline na maaaring tawagan ng mga tao at mai-report ang ganitong uri ng scamming operasyon.

Gayunpaman, umaaasa aniya ang DICT na matalakay sa close-door meeting ang metodolohiya dito partikular ang uri ng teknolohiyang ginagamit sa pagtuklas ng mga scam hub. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us