Isiniwalat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ang ilang mga POGO at scam hubs ang nagpapanggap bilang mga maliliit na business establishment gaya ng resorts at restaurants, para maipagpatuloy ng palihim ang kanilang mga operasyon.
Sa confirmation hearing ng Commission on Appointments (CA), natanong ni Senator Risa Hontiveros kung ano ang ginagawa ng DILG para matiyak na totoong mapapatigil ang operasyon ng mga POGO at scam hubs, bago matapos ang taon alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Remulla, dapat inspeksyunin ng mga alkalde ang mga establisyimento sa kani-kanilang mga nasasakupan, bago magbigay ng business occupancy at iba pang mga permit.
Ito ay para aniya matiyak na ang operasyon nila ay alinsunod sa in-apply nilang permit.
Pagdating naman sa mga POGO at scam hubs na walang takot na kumukuha pa rin ng business permit, ipinahayag ng kalihim na nasa tungkulin na ng PNP at NBI ang imbestisgahan at usigin ang mga ito. | ulat ni Nimfa Asuncion