DILG Sec. Remulla, nilinaw na walang PNP General na sisibakin sa pwesto sa plano niyang mabawasan ang bilang ng police generals

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na sa Commission on Aappointments (CA) ang ad interim appointment o ang pagkakatalaga sa pwesto ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Bago ito, sa pulong balitaan sa Senado ay nilinaw ni Remulla na walang heneral na sisibakin sa pwesto.

Ito ay may kaugnayan sa isinusulong niyang streamlining o pagbabawas ng bilang ng mga police general dahil para sa kalihim ay masyado na silang marami.

Nagiging redundant na rin aniya ang mga ito at nakakadagdag rin sa gastos ng pamahalaan para sa pensyon.

Ayon kay Remulla, sa kanyang mungkahi ay hihintayin na lang na magretiro ang mga heneral sa PNP ngayon.

Bubuo rin aniya sila ng polisiya kung papalitan o hindi ang mga heneral na magrertiro.

Nais ni Remulla na limitahan lang sana sa 25 ang bilang ng mga heneral sa PNP…

Pero aminado naman ang kalihim na mahirap itong gawin, kaya ang target nila ay mapababa ito kahit hanggang 100 lang.

Hihingi rin ng tulong si Remulla sa Kongreso para mabago ang Civil Service Law, na nagpapahintulot sa kada tatlong taon na eligibility ng mga pulis para sa promotion.

Mas nais aniya niyang gayahin ang promotion sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginagawa kada limang taon.

Sinabi ni Remulla, na base sa kanilang huling pag-uusap ay suportado naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano niya sa PNP.

Sa ngayon ay aprubado na sa Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga sa pwesto kay Remulla. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us