Kapwa kinumpirma ng LandBank Shaw Blvd at DOTC branch na in-cash winithdraw ng special disbursement officer ng OVP at DepEd ang nasa P612.5 million na confidential fund ng Office of the Vice President at DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Sa ika-anim na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, humarap sina Jean Abaya ng LandBank Shaw branch at Nenita Camposano ng LandBank DOTC branch.
Ayon kay Abaya, apat na beses nag-withdraw si OVP Special Disbursement Officer Gina Acosta.
Gumamit naman aniya siya ng mga duffle bag para pagtaguan ng pera.
Personal namang inilalabas ni Acosta ang naturang mga bag katulong ang ilang kasama.
Gayonman, ikinagulat ng mga mambabatas ang pahayag ni Atty. Rosalynne Sanchez, administrative at finance chief ng OVP na hindi na nila binabantayan kung saan dinadala ni Acosta ang pera.
Ayon naman kay Camposano, tatlong beses winidraw ang P37 million na halaga ng pera para sa DepEd sa pamamagitan ng SDO na si Edward Fajarda.
Dahil naman dito, pinapatawag ng komite ang mga teller na nag-asikaso sa encashment ng confidential funds pati ang security guard ng dalawang LandBank branch. | ulat ni Kathleen Forbes