Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas lalawak pa ang balikatan ng Pilipinas at Japan International Cooperation Agency (JICA).
Sa courtesy call sa Malacañang at ni JICA President Tanaka Akihiko, kinilala ng pangulo ang JICA bilang mahalagang partner ng bansa.
Nagsimula aniya sa kooperasyon para sa mga proyektong pang-imprastraktura, ngunit sa kasalukuyan, lumawak na ito sa iba pang linya.
“JICA has always been the important partner for the Philippines. It started only with infrastructure but now you have also expanded into other areas so we hope we can continue, especially the green projects we have now.” —Pangulong Marcos.
Dahil dito kumpiyansa si Pangulong Marcos na anumang ibang proyekto o larangan ang pasukin ng JICA sa Pilipinas sa mga susunod na panahon, wala itong magiging problema.
“I think they are going very well and I don’t think we will have particular problems, but if there is anything more that we can do from the Philippine side, we will be happy to hear any suggestions from JICA.” —Pangulong Marcos.
Present rin sa courtesy call si NEDA Secretary Arsenio Balisacan at si PCO Acting Secretary Cesar Chavez. | ulat ni Racquel Bayan