Sa layong mapaigting pa ang seismic resilience ng bansa, inilunsad ngayong araw ng DOST-PHIVOLCS ang SHADE project o Seismic Hazard Atlas para sa Design Earthquake
Pinangunahan ni DOST Sec. Renato Solidum at Phivolcs Dir. Teresito Bacolcol ang paglulunsad ng proyekto sa PHIVOLCS Auditorium, Quezon City ngayong araw.
Tampok sa naturang atlas ang mga seismic hazard ground motion maps na maaaring maging gabay para makabuo ng ‘earthquake-resistant design’ ang mga engineer at architect sa bansa.
Ayon sa PHIVOLCS, mahalagang hakbang ang naturang atlas para masiguro ang kaligtasan at tibay ng mga gusali sa buong bansa.
Buo naman ang suporta ni DOST Sec. Solidum sa proyekto na isang inisyatibo aniya tungo sa mas ligtas at matatag na Pilipinas. | ulat ni Merry Ann Bastasa