BSP, posibleng panatilihing steady ang borrowing cost depende sa inflation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng manatili ang borrowing cost kung magpapatuloy ang inflationary pressures.

Sa isang panayam kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Eli Remolona Jr. sa BSP-IMF Systematic Risk Dialogue, sinabi nito na magdedepende ito sa  inflation at paglago ng ekonomiya.

Aniya, magbabase ang monetary board sa datos kung magkakaroon ng pagbawas ng interest rate.

Una nang sinabi ni Remolona, na plano nila ang isa pang rate cut ngayong darating na Disyembre o sa Pebrero ng susunod na taon.

Maalalang nagpatupad na ng rate cut ang sentral bank noong Agosto at Oktubre kung saan tig- 25 basis points ang ibinawas sa interest rates. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us